Maaga naman ako nakauwi kahapon...7:30 pm so I was expecting a pleasant ride. Ang bilis ko nakasakay fx papuntang Baclaran. Pagdating ko Baclaran..sakto me Taz Trans. Gusto ko lagi sumasakay sa Taz Trans kse yong mga driver nila hindi tumatambay ng matagal sa coastal mall para mag abang ng pasahero. Yong iba kse lintik 30 minutes na nakatambay don. (oi nagbabasa kaya ng blogs yong mga drivers ng Altransco?! sana)
Paakyat pa lang ako nakita ko puno na, tatayo na ko. Okay lang mabilis lang naman byahe pag Taz Trans. Huwebes naman..baket kaya ang daming pasahero? Me sumakay pa na 5..full packed na yong bus. Yong isa nakatayo na sa pinto.. Feeling sardinas na naman Ilang beses na din nangyari to....okay lang naman sa kin sanay na...Minsan nga nangyari na sa kin na wala akong mahawakan hahaha buti na lang masikip kaya di ako natutumba.
Yong kundoktor don nakatayo sa harapan ng nasa first row..at nakikisuyo na lang ng pamasahe..ganon kasikip!
Malapit na sa Longos yong bus. Me lalaki sa likod ko "excuse me" tiningnan ko siya...makikidaan ata...e san ko naman isisiksik yong katawan ko....sa kisame? Deadma di ako gumalaw. Kahit gustuhin ko man...di ako talaga makakagalaw. "Excuse me" ulit...Tiningnan ko lang siya....sinamangutan ako...Hehehe..okay lang kamukha naman siya ni Arnold. Buti sana kung kamukha siya ni Gu Jun Pyo. Deadma pa din ako.....tumalikod ako.
Nong tumigil yong bus sa Longos..saka nakagalaw yong nasa unahan ko para makadaan siya...AT NAGBUBUNGANGA...."Hello as if naman di titigil yong bus para makababa ka..papatalunin ka ba nong driver habang umaandar pagdaan sa Longos kelangan nasa pinto ka kaagad....masyado kang excited....o daan na!"
Bwisit! Sabi naman sa bintana..break in case of emergency..sana don na lang siya dumaan!
No comments:
Post a Comment